Finally!Nagkaroon na rin ako ng outlet sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko..hehe..Masaya ako kasi may bago na akong libangan..haha..Hindi ko alam kung paano sisimulan at kung saan..hay..Mahirap, kasi hinayaan kong maging magulo ang lahat..Hinayaan kong unti-unti silang mawala..Masakit, sapagkat kitang-kita ko kung paanong lumayo ang pagitan ng nakaraan sa kasalukuyan at may panagambang lumala pa sa hinaharap..Maraming tanong ang bilanggo sa aking isipan..Mga tanong na nagsanga sa isang kasalanan..Dahang-dahan akong nilalamon ng kawalan patungo sa walang hanggang paglalakbay..Sa una lang masayang magpadala sa agos nitong biyaheng hindi mawari..Masaya kasi wala ka ng kailangan isiping direksyon na pupuntahan..Lahat ay umuusad ayon sa kung ano ang direksyon ng malalakas na alon..Pero habang tumatagal, nakakapagod na at nakakasawa..Lahat ay napaka-ordinaryo at hindi na ako natutuwa..Hindi lang lungkot ang nadarama ko ngayon, dahil alam ko sa sarili ko na may mas tama at dapat na daan akong tinatahak sa ngayon..Makipot man ang daanang iyon, sigurado naman ang patutunguhan..Nakakahiya, walang na akong mukhang maiharap sa pinagkakautangan ko ng lahat..Hindi ko man sabihin, alam Niya ang laman ng puso’t isip ko..Hindi Niya ako iniwan at hindi Siya tumigil na mahalin ako..Marami na akong kasalanang ginawa pero nagawa Niya akong patawarin..Paano ko ba naman Siya makakalimutan?Ayun, heto ako ngayon..Balik ulit sa simula, simula ng panibagong buhay na may panibagong pag-asa at pananampalataya..Sana makaya ko..Sana..

Nyak!ang weird ko talaga..haha..Hindi ko kasi alam sasabihin eh kaya kung ano-ano tuloy ang nailagay ko..Basta isa lang ang alam ko sa ngayon..Nagbabalik ako para tapusin ang isang misyon..Misyon na minsang akong nabigo..Sana makaya ko na sa pagkakataong ito..Samahan mo ako kung gusto mo..hehe..Let’s do it!YEAH!

Comments No Comments »